Paano nga ba naging tayo? paano ba nagsimula ang story ng pag-ibig natin? natatandaan mo pa ba?...ngee, kapitbahay nga pala tayo, kababata, kalaro. sabay pa nga tayong maligo sa ulan nun d bah? kasama kita sa lahat ng kalokohan ko, bess ang tawag ko sa'u..as in short for bestfriend..lahat yata ng secret ko alam mo, alam mo na paborito ko ang banana q at mangga na may bagoong, alam mo kong anong itsura ko sa umaga. basta lahat yata tungkol sa akin alam mo. one heart, un ang tawag sa atin..daig pa nga natin si piolo at juday..nakz grabe ung tandem natin.pero kala ko lokohan lang yon; nothing serious! kasi d naman tayo seryoso, kaya laking gulat ko ng nagtapat ka sa akin ng pag-ibig. shocked ako as in! parang natamaan ako ng kidlat..kaya sabi ko sa'yo "hello! we're just friends" but u never give up..hhmm..siguro uminom ka ng red bull, kaya ayan 2loy nagets mo talaga ang puso ko..may pasabi pa ako na...bess, virgin pa ang heart ko kaya ingatan mo, at un nalunod 2loy ang puso ko sa pagmamahal mo. dami nating naipon na ala-ala, ala-ala na bahagi na ng hininga ko; naalala mo pa ba ang "first kiss" natin..sabi ko wala naman palang lasa ang kiss..sabi mo; pkit mo kasi eyes mo para malasahan mo...ayan naadik 2loy me sa kiss mo. naalala mo ba ang mga araw na kailangan mong gumising ng madaling araw na kahit maginaw at gusto mo pang matulog kailangan mong bumangon para ihatid lang ako sa bus station. naalala mo pa ang mga christmas na kasama mo ako. na kahit isang bar ng toblerone at isang rose na ewan kung saan mo pinitas ang gift mo para sa akin...masaya na ako, basta kasama lang kita.naalala mo pa ba ang gift ko sa'u na kitkat na binalot ko pa ng pagkarami-rami...kala mo kung ano...pinapahirapan pa kita..kitkat lang pala..kinain ko pa nga ang dalawa. naalala mo pa ba ang maraming sulat at card mo sa akin, nand2 pa rin..kasama ko kahit saan ako magpunta..handcarry ko pa nga sa plane eh..natatakot kasi ako na mawala ang baggage ko.one of my treasured possession kasi un. naalala mo pa rin ba ang "lovers rock" natin..kung makapagsalita lang yon...lahat ng pangarap natin dun natin binuo,..lahat yata ng promise na ngaun ay wala na...oo nga pala pumunta pala ako dun..bago pumunta d2..wala lang..naisip lang kita. pero bakit nga ba wala ng ikaw at ako ngayon? kasi duwag ka! kasi d mo ako pinalaban sa pamilya ko..mas ginusto mo pa na saktan ako at lumayo ka kaysa ipaglaban ang pag-ibig natin., d mo lang alam kung paano kita pinaglaban sa pamilya ko..at sa bawat paghusga nila sa pagkatao mo tiniis ko..pinalagpas na parang d ko narinig kasi alam ko kung sino ka..kasi mas kilala kita...sabi nga nila kung ano ang puno un ang bunga..pero d ako naniniwala nun...kasi alam ko na magkaiba kau ng ama mo. iisa man ang dugo sa ugat nyo pero magkaiba naman ang kapalaran nyo..at d mo lang alam kung paano ako naniniwala sa'u..pero iniwan mo pa rin ako sa ere..siguro napagod ka sa pakikipaglaban. o kaya naduwag ka. but i never give up,, kaya lang nag-iisa na lang ako. masakit yon, kasi alam kong nandun pa rin ang pag-ibig natin..hinihintay lang tayo...sana nga pareho na lang ang katayuan ng buhay natin...sana...sana...sana... pero lumipas din ang panahon., at heto ako...iniisip kita..matagal na pala un noh?..iniisip ko ung sinabi mo sa akin na ko lang ang mamahalin mo...siguro totoo nga, kasi nanjan ka rin..wala pa rin gf sabi nila..at sabi nila hinihintay mo ang pagbabalik ko..pero..pero.. huli ka na..kasi sa pagbabalik ko hindi na ako nag-iisa..ikakasal na ako bess, napagod rin kasi ang puso ko kakahintay sa'yo,.siguro nga..we can't be lovers., only friends! tsai tien!
Saturday, July 4, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
ang drama naman nito! :) pero salamat at nabanggit mo ang toblerone! :) http://www.toblerone.com.ph
ReplyDelete