Naaalala mo pa ba nung sinabi mo sa aking mahal mo ako at hindi mo ako lolokohin? Eh how about yung time na nangako ka sa akin na seseryosohin mo ako? Hah! I bet it was all a lie. I knew it! Sana nakinig na lang ako sa mga kaibigan ko noon. Hindi sana dapat nangyari ito. Pero hindi! Matigas ang ulo ko noon. Hindi ako nakinig dahil all I know that time was mahal na mahal na kita at yun lang ang pinapakinggan ko. Ang pintig na puso ko na lagi na lang pangalan mo ang binibigkas. Naging korni ako dahil sa iyo. Kinalimutan ko ang lahat dahil sa iyo. I even decided to sacrifice everything that I can dahil sa lintek na pag ibig ko sa iyo. Alam kong malayo ka sa akin pero I also believed that love can move mountains. Iniwanan ko siya ng dahil din sa iyo. Mas malapit siya pero mas mahal kita sa kanya kaya ikaw ang pinili ko. At nang dahil din sa iyo natuto akong maging seryoso sa pakikipag relasyon. Tinuruan mo akong magmahal ng totoo at ng todo. Feeling ko noon ako na ang pinakamasayang nilalang sa mundo dahil akin ka. Naniwala ako sa sinabi mo noon na mahal mo ako at kahit kelan hindi mo ako sasaktan. I never have doubts about you alam mo ba yun? Alam ko hindi mo magagawang lokohin ako dahil napatunayan mo naman sa akin iyon. Kapag monthsary natin ang saya saya ko. Dahil tumatagal tayo kahit monthsary lang. Until I got to the point na hindi ko na matiis. Kinailangan na kitang makita! Kaya naman umuwi ako kahit hindi pa oras para lang magkita at magkasama tayo. You have no idea how happy I was noong makita kita! Gustong gusto na kitang yakapin pero naunahan ako ng hiya pero kung alam mo lang… Noong mga first few weeks ko maganda pa ang takbo ng relasyon natin. Akala ko nothing can go wrong. I knew you loved me at araw araw tayong nag uusap. Everyday I waited for your calls. Makausap lang kita buo na ang araw ko. Hanggang sa isang araw hindi mo na ako tinawagan. Ni text wala. Hindi ka man lang nagparamdam ng buong araw. Pero naisip ko, siguro busy ka lang kaya naiintindihan ko. Naghintay ako the next days after that pero wala pa rin. I was wondering kung ano nang nangyayari sayo? Ok ka lang ba? Is everything all right? Hindi ako nakapagpigil, tinawagan kita. Hindi ka na gaanong umiimik pero I was still glad na kinausap mo pa ako. Pagkatapos nating mag usap alalang alala ako. Iyon na ba ang huli nating pag uusap? Sana hindi…Iniisip ko na noon na malapit ka nang mawal sa akin..At sinakmal ako ng matinding takot. Hanggang sa isang araw sinabi mo sa akin na its over. We’re over. Ganoon na lang ba iyon? Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko para sa iyo yun na lang iyon? ITS ALL OVER!?!? How could I accept that?? Mas mabuti nang pinagsasampal mo akong ng million na beses matatanggap ko pa. But not like this! Mahal na mahal kita! Papano kita kakalimutan?! Hindi ko yata kaya! Sa iyo ko lang ginawa iyong mga bagay na iyon pero bakit ito ang isusukli mo sa akin?? Ang tanga ko para maniwala sa mga kasinungalingan mo! Ayaw na kitang makausap. Dahil kapag nakausap kita baka mabaliw lang lang akong mabaliw at mabaliw sa kaiisip sayo…Lalong lang akong masasaktan I never thought aalis ako with a broken heart… At sana makalimutan na kita… At sana makakita ako ng iba na hindi kagaya mo…
Saturday, July 4, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment