Saturday, July 4, 2009

pasensiya kaibigan, ganito ako...

Oo na.....mali na ako..wala akong nagawa..Masama na ako, ako ang may kasalanan. Hindi ko ipinagpatuloy sapagkat ako mismo ang may ayaw. Nasa sa akin ang problema dahil ako ang nagpabaya…..oo ginawa ko siyang tanga, pinaasa, pinaghintay at masakit pa rito sinaktan at ginago.Paulit-ulit na pagsisi niyo sa akin. Nabibingi na sa bawat salitang naririnig ko sa aking tainga. Pasok sa kanan, labas sa kaliwa. Sawang-sawa na ako…ayoko nang marinig ang mga sinsabi niyo.Aminado naman ako ang may kasalanan. Ako mismo ang gumawa ng paraan para kami magkalayo, magbreak at pabayaan na ako sa gusto ko.Hindi ko rin alam ang nagyayari sa akin. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bakit ko nga ginawa ito? …Bakit? ….Basta alam ko noon mangyayari na ito bago pa maging kami. Pero sabi nga ninyo may magagawa ako ngunit ito sinayang ko lang….Alam ko sinayang ko lang..sinayang ko. Dumating na nga ang panahon na may umibig sa akin…tapat, lubos, totoo at nagpapahalaga. Alam ninyo at alam ko na matagal ko nang hinintay ang pagkakataong ito na balang araw makakahananap din ako ng taong magmamahal sa akin. Heto na nga iyon…heto na nga siya…dumating na ang pinapangarap ko. Alam ninyo kasi na nabigo din ako, nalungkot, nasaktan, naging baliw, naging tanga at pinabayaan. Nais niyo lang naman ako lumigaya, maging masaya at di na laging umaasa.Masaya ako ngayon sa ipinapakita ninyo sa akin. Walang duda na tunay ko nga kayong kaibigan, Nandiyan kayo sa hirap at ginhawa. Nandiyan nang nabigo, nasaktan at nanakit ng iba. Nauunawaan kong ayaw ninyo ang ginawa ko dahil ako nga mismo ay nakaranas din ng sakit.Ngunit sana maintindihan ninyo ako. Tao lang ako…nakakagawa din ng mali sa kapwa….nagbabago ang nararamdaman…maaaring nagsawa at nabagot….nakalimot ng responsibilidad sa isang taong nagmamahal…naging makasarili at iniisip lamang ang sarili…sarili ...sarili ..wala ng iba pa.Nauunawaan ko kayo…tinatanggap ko ang inyong panunumabat pero …..Pasensiya na Kaibigan, Ganito Ako.

No comments:

Post a Comment