Tawag nila sa akin noon "Sleeping Beauty" at ikaw daw yung aking prinsipe. Nakakatawa no. Naging close kita kaya tawagan natin ay bestfriend. Palagi tayong nagsasama. At lahat na lang ng bagay ay hihiram ka sa akin. Panlalait mo naman sa handwriting ko ay kandatuta. Lagilagi na lang kapag humihiram ka nang notes ko ay may kalakip na notes na kisyo ayusin ko na yung penmanship ko kasi weird at hindi mo masabisabing ang pangit ng handwriting ko. Palagi mo akong tinutulungan sa pagbubuhat ng mga basurahan para itapon at sa kahit ano pang gawain ko na alam mong kailangan ko talaga ng tulong. At higit sa lahat magkasama tayong umuwi at ihahatid mo ako sa amin. Swerte ko naman at ikaw ang naging kaibigan ko. Taon ang lumipas, at grade five na ako. Doon nagbago ang lahat nang minsang may bago kayong kaklase. Maganda at mabait yun ang sabi nila. Hindi na kasi tayo magkaklase kasi naiba ka ng section. Pero okey lang at least andyan ka parin kapag kailangan kita. Pero nagbago kasi ang lahat eh. Naging malamig ka sa akin. At minsan pa narinig ko na nililigawan mo raw yung girl na bago ninyong kaklase. Inaamin ko galit ako sayo kasi hindi mo man lang sinabi sa akin na may liligawan ka pala. Okey lang siguro naman sasabihin mo kapag kayo na diba? Yun ang inaasahan ko lagi na sasabihin niya pero hindi. Usap-usapan na lang na kayo na daw. At pati ba naman ako ay tinutukso na kayo na daw, ano ngayon kung kayo na nga? Ang sakit lang kasi dahil parang binaliwala mo na ang pagiging magkaibigan natin eh! Pero hopeful parin ako na oneday ay sasabihin mo pa rin sakin yun. Pero hindi hanggang sa makita kung kausap mo siya. Lingid sa aking kaalaman ay gusto ko nang maiyak sa aking nakita dahil talagang nasasaktan na ako eh. Tumakbo ako noon at alam kung nakita mo akong tumakbo pero hindi mo ako hinabol.Dahil abala ka sa panliligaw mo. Graduation day...pero wala ka man lang maski sinabi kahit HI! ...okey lang bestfriend na man kita eh!!!! Sabay tayong nagtake ng exam para sa high school pero ako lang ang pumasa. At hindi ko na alam kung nasaan kana matapos ang pagtatagpong iyon. Mahigit tatlong buwan na nang hindi kita nakikita kasi hindi ka na rin pumapasyal sa amin eh! At noon ko naramdaman ang pagkabagot. Naiinis ako kapag may makita akong babae at lalaking nag-uusap o nagtatawanan. Kagaya natin noon, pero hindi na ngayon dahil wala ka. Lagi kong inihanda ang aking sarili para sa iyong pagdating. Lagilagi na lang ay ikaw ang laman ng aking isipan. Gusto ko muling maibalik ang ating kahapon. Mahal na kaya kita? yan ang tanong ko sa aking sarili. Lahat nang lalaki na aking mameet ay ikinukumpara ko sayo. Kaya nga wala pa akong nobyo hanggang ngayon. Dahil hanggang ngayon umaasa pa rin ako sa iyong pagdating.....at hanggang ngayon ay ikaw parin ang gusto ko.
Saturday, July 4, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment